Ang piyudalismo ay
isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng
panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan
na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari. Isa
itong sentralisadong pamahalaan na kung saan isinusuko ng basalyo o taong
alipin ang kanyang lupa sa isa-isang panginoon. Isa din itong sistemang
politikal at militar sa kanlurang Europa noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito
nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksyon ang
lipunan. Isa din itong ugnayan ng mga aristokrata o ng panginoon at kanyang
basalyo. Ang basalyo ay nagmamay-ari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang
ito para sa kanyan seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang
seguridad ng simpleng mamayan. Tinatawag na fief
ang lupang isinuko. Nagkaroon ng
omahe o pagbibigay-dangal –ang pagkilala ng isang
basalyo o tenanting dapat siyang maging matapat sa kanyang panginoon sa
pamamagita ng isang seremonya – bilang pag-iisa ng panginoon at ng basalyo. May
dalawang dahilan ang pinag-ugatan ng piyudalismo. Isa ito ang ugnayangg
namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europa noong Gitnang
Panahon. Ang huli ay sumumpa ng katapatan sa kanilang pinuno hanggang sa
kamatayan ung kinakailangan. Bilang kapalit, trinato silang mabuti at isinalang
ng pinuno ang mga mandirigma. Nahati sa tatlong pangkat ang mga tao sa lipunang
piyudal: ang noble, klerigo, at mga pesante. Unang lumaganap sa “Frankish
Lands” noong 9th at 10th century. Ang mga makapangyarihan
ay mayroong mga tauhan na nagsisilbing militar kapalit sa proteksyon nila. Ang
simbahan ay isa din sa mga impluwensya ng pagpapalaganap ng piyudalismo sa
Europa. Lumaganap ang piyudalismo sa France hanggang Spain, Italy at hindi
nagtagal, sa Germany at Silangang Europa. Ang pag-akyat sa kapangyarihan ng
monarkiya sa France, Spain at Inglatera ay ang simula naman ng pagbagsak ng
lokal na samhahan. Ang paglaganap ng komunikasyon ay iyon din ang pagbagsak ng
“Isolated Manor”. Ang sistema ay unti-unting bumagsak pero hindi tuluyang
bumagsak sa France hanggang sa French Revolution (1789) at sa Germany hanggang
1848 at sa Russia hanggang 1917. Ang mga nagging epekto nito ay nagkaroon ng
tinatawag na “Social Classes”. Konting porsyento lamang ng tao ang
nakakapag-aral at pagabandona sa mga taong may talento. Pagpigil sa paglaganap
ng kultura at nilimitahan ang ang Europa sa “Religion Diversity”.
Ayon sa aking natutunan, ang piyudalismo ay isang sistemang politikal, at militar sa kanluraning Europa. Ito ang nakitang tugon sa mga natukoy na nangangailangan ng proteksyon para sa mga tao. Ang tanging layunin lamang nila ay maprotektehan nila ang kanilang mga sarili at pamilya. Isinusuko nila kahit ang mahahalagang bagay tulad na nga lang ng mga lupa, handa nilang isakripisyo o ibigay para lamang sa kanila seguridad.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento